*

My Journal

border my Hardware    corner


Pinoy Hardware
 
Moderated by Pinoy Hardware
Pangalan mo!

URL

Messages(smilies)

Saturday, October 04, 2003
106525333537673561"> 
I WILL STAND AND I WILL WORSHIP YOU FOREVER FOR ALL YOU ARE!
AND I WILL SING AND ON TO YOU I WILL SURRENDER, I WORSHIP YOU FOREVER!


Tuesday, August 05, 2003
106011426653049082"> 
Mahal kong Lt. SG Antonio Trillanes IV,

Magandang umaga. Nawa'y maigi ang iyong kalagayan d'yan sa stockade.
Magpahinga ka muna bago ka humarap sa court martial. Hindi bale nang
litisin ka, nakapag-stay sa naman sa Oakwood, samantalang kami, pinaasa
mong walang pasok ngayon. KJ ka talaga.

Sinulat ko ang liham na ito para puriin ka sa iyong kagitingan na ipaalam
sa buong sambayanang Pilipino ang kabulukang nangyayari sa ating gobyerno.
Mabuhay ka.

Ang problema nga lang, alam na namin lahat iyon, Kapitan Trillanes.

Hindi na ninyo kailangan pang magtanim ng bomba at magpapogi sa inyong mga
fatigues para lang ipaalam sa buong madla na may mga katiwalian sa
gobyerno.

Hindi tuloy ako nakapanood ng Terminator 3, eh malapit nang mawala sa sine
'yon. Okay sana kung nagbakbakan kayo ng mga sundalo ng gobyerno. Mala-THE
ROCK saka DIE HARD sana ang nangyari. Kaso, nagsisisigaw lamang kayo sa
lobby ng Oakwood. Para ano pa ang inyong mga armband?

Sabagay pwede na kayong magtayo ng boutique na ang brand name ay Magdalo.
Pwde kayong magtinda ng mga armbands, fatigue-inspired pants, caps at
shades. Ipwesto nyo dyan sa Oakwood para strategic ang location at may
sentimental value pa. Bebenta kayo, promise.

Sa launch ng inyong boutique, pwede kayong maglagay ng mga bomba sa
parking lot tapos magpaparty kayo doon. Masaya di ba?

Mabalik tayo sa layunin ng liham na ito. Yung sinasabi mong nagbebenta si
Secretary Reyes ng bala sa mga rebelde, aba, lumang balita na 'yan. Alam
na naming mga ordinaryong tao yan. Bakit?

Kaugalian na nating mga Pilipino ang mag-sideline di ba? Sa opisina nga
namin may nagtitinda ng tsinelas, beads, tocino, tapa, muffins saka bags.

Eh hayaan mo nang magbenta si Secretary Reyes ng bala sa kanila, baka
gawang Taiwan lang naman yung mga bala na 'yon. Mahirap buhay eh, magkano
lang naman sweldo ni Secretary Reyes. Malamang lumilihis yung mga bala o
kaya puro supot.

Yun namang sinasabi mong si GMA ang nag-utos ng pambobomba sa Davao, alam
na rin naming mga Pilipino 'yon. Kaw naman, Kapitan Trillanes, sa
pagka-tsismoso nating mga Pilipino, sino ba naman hindi nakakaalam na
gobyerno gumagawa ng mga kalokohang 'yon?

Plaza Miranda, Jabidah Massacre, pagpatay kay Ninoy, Rizal Day bombings,
at kung anu-ano pang kababalaghan, alam na naming gobyerno gumagawa. Hindi
naman kami istupido noh! Sabi nga ng mga taga-Assumption, "We're not like
tanga naman..."

Ang drama-drama mo masyado, eh kami namang mga ordinaryong tao tinatawanan
na lang mga katiwalian sa gobyerno. May linya ka pang "we're ready to die
for our principles."

Huuu...if I know, gusto mo lang magpa-spa sa Oakwood kasi sira na ang
iyong kutis dahil sa kagat ng lamok sa Basilan. Dapat sinabi mo na lang sa akin,
may murang spa dyan sa Quezon Avenue, may "extra" pa.

Ayan tuloy, nagsara Glorietta ng isang isang araw. Lagot ka, milyon nalugi
sa mga Ayala. Baka pabayaran lahat sa 'yo yan. At saka naman Kapitan
Trillanes, next time kayo magta-take over ng anumang lugar, 'wag naman sa
mall. Hindi bagay sa inyong mga fatigues and armbands. Sino ba
scriptwriter ninyo? Tsugiin! Mali ang location ng action! Ni walang symbolic o
strategic meaning ang Oakwood.

Hindi kayo nanood ng THE ROCK ano?

Hay nako, may pasok tuloy ngayon. Nabitin kami. Pogi points ka pa sa mga
girls kasi ang guapo mo sa fatigue. Yun nga lang, you didn't die for your
principles. May paiyak-iyak and hug pa kayo.

Kaya kayo tinatawanan ng Abu Sayyaf, malalambot ang puso ninyo, madrama
kayo masyado. Ganyan ba kayo sa Basilan? 'Pag rat-ratan na, nagyayakapan
na lang kayo at umiiyak? God, it's so nakakahiya naman to the enemy.

Hay nako, Kapitan Trillanes, mag-direct ka na lang ng pelikula ha? Tingin
ko mas magaling ka pa kay Ang Lee kasi militar ka talaga. Maganda yung mga
subplots na naisip mo. Maganda rin yung mga dialogue mo.

'Pag nag-direct ka na ng movie, make sure may bakbakang matindi sa huli.
Yung tipong mawawarak yung buong building. Yun, mas exciting, hindi yung
katulad kahapon.


Nagmamahal,

Ang iyong tagahanga


Tuesday, July 29, 2003
105951572929184800"> 
hay naku! puro kwento nanaman.....>>>hala sige!!!!

Subject: RE: pasalubong ni Juana

Pasalubong ni Juanna!
Registered nurse si Juanna sa States. Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Juanna. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa. Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy and isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!" Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat sa dibdid ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Juanna: "Mahal kong tatay at mga kapatid: "Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. "Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod... "Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. "Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayon magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga ito. "Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. "Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene, Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at Tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. "Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. "May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume. "Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. "Tigdadalawang rim
ng Marlboro green at Winston lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. "Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. "Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. "Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Kunin mo agad, tatay. "Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. "Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday ko kay Ninang Berta, hindi ko ba pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may banding ulunan ni nanay. Nasa pink na plastic na maliit. "Mga Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko. "Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels...'yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami rami rin iyon. Parte- parte rin kayo. "Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na de lata, barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoon and pork, paper at styro foam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps,match box toys, used t-shirts, hand towels,CD. VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. Na hindi ko na na-itemize dahil nagmamadali ako. "Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. "Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. "Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. "Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. "Paki-double
check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko. "

Nagmamahal, "Juanna "
P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay!"



>>>jenjen, thanks for this stupid story.(sino nanaman nag forward sayo neto?).i know u have nothin to do, anyways keep in touch..bye......>>>pao



     


 
corner Back to Pinoy Hardware
Message Board
Chat tayo
Links
corner




 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 



 

 

 

 

 

EyeForBeauty logo

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Template and Design copyright © 2002 Pinoy Hardware and Eye for Beauty